Ibinebenta na ngayon ng ilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) survivor ang kanilang plasma na sinasabing nakatutulong para gumaling o mapabuti ang kalagayan ng mga pasyenteng dinapuan ng nakahahawang sakit.
Ayon sa Department of Health (DOH) Region 7, naglalaro ang halaga ng plasma sa Cebu City sa P20,000 pesos hanggang P80,000.
Anila, posibleng humantong na sa ganitong klase ng diskarte ang mga tao dahil sa hirap ng buhay ngayong may pandemya.
Sinasabing sa Sitio Zapatera sa Cebu, kung saan mataas ang bilang ng COVID-19, nangyayari ang bentahan ng plasma.
Samantala, itinanggi naman ng mga lokal na opisyal sa nasabing sitio na mayroong plasma trade na nangyayari sa kanilang lugar.