Matumal na ang bentahan ng puting asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ito ay dahil tumaas sa 110 pesos ang presyo ng kada kilo ng white sugar habang 70 pesos hanggang 75 pesos kada kilo naman ang washed at brown sugar.
Ayon sa ilang tindera, umaabot din ng mahigit dalawa hanggang tatlong linggo bago maubos ang binili nilang isang sako ng puting asukal kumpara noong mura pa ito na nagtatagal lamang ng tatlong araw.
Umaasa naman ang ilang konsyumer na mareresolba ang mataas na presyo ng naturang asukal.