Gusto na ng Philippine National Police o PNP na lagyan ng serial number ang mga uniporme ng pulis.
Ito’y matapos mapatay ang 5 kidnapper sa San Pablo Laguna na nagpanggap na pulis at nakasuot ng police uniform na may nakatahi pang ranggo at pangalan sa uniporme.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, gusto na nilang kontrolin ang bentahan ng uniporme ng pulis lalo’t pati mga NPA ay maluwag na nakakabili nito.
Sinabi naman ni Police Director Efren Perez ang Hepe ng Directorate for research and Dveelopment, na pinag-aaralan na nila ang kasalukuyang patakaran para PNP na lamang ang awtorisadong magbenta o mag-distribute ng mga uniporme.
Batid naman ni Bato na maraming negosyante na nagbebenta ng police uniform ang papalag dito.
—-