Nanumpa na bilang bagong Executive Director ng Commission on Population and Development (POPCOM) si Lisa Grace Bersales.
Ayon sa POPCOM, sa harap mismo ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa opisina ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Pasig City nanumpa si Bersales.
Ito ang magsisilbing Undersecretary ng POPCOM para sa Population and Development (POPDEV).
Bago maitalaga sa ahensiya, si Bernales ay isang mananaliksik at Professor sa University of the Philippines, kung saan siya ang dekana at direktor ng Graduate Studies ng School of Statistics.
Pinangunahan din niya ang pagpapatupad ng Philippine Statistics Act of 2013 sa pamamagitan ng pag-set up ng Philippine Statistics Authority noong 2014.