Sa kaniyang Instagram Account idinaan ng aktor na si Bernard Palanca ang pag kumpirma sa hiwalayan nila ng partner nitong si Jerika Ejercito
Sa nasabing post nag sorry rin si Bernard sa 2 taong gulang na anak nila ni Jerika dahil natapos na ang 4 na taon nilang relasyon nito
Tiniyak ni Bernard sa anak na aalagaan niya ito at patuloy na mamahalin kahit pa hiwalay na sila ng ina nito
Sinabi ni Bernard na darating din ang tamang panahon na maipapaliwanag niya sa anak ang nangyari sa kanilang relasyon
Nananatili namang tikom ang bibig ni Jerika sa kanilang hiwalayan ni Bernard
By: Judith Larino