Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Undersecretary Bernie Cruz bilang acting chief ng Department of Agrarian Reform o DAR.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang appointment ni Cruz ay nilagdaan ng Presidente noon pang Oct. 28.
Si Cruz ang papalit kay DAR Secretary John Castriciones na bumaba sa puwesto para sumabak sa 2022 senatorial elections.