Premature ang naging pag-alma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa inilabas na sariling bersyon ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Binigyang diin ito ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, dahil mas mabuting hintayin munang matalakay sa plenaryo ang nasabing batas.
Sinabi ni Coloma na kapag nailatag na sa Kamara man o Senado ang nasabing bersyon, may pagkakataon ang lahat ng mambabatas na magpahayag ng kanilang saloobin at mag panukala ng amiyenda.
Muling tiniyak ni Coloma na patuloy na nakikipag-ugnayan ang administrasyon sa liderato ng Kongreso para matalakay ang BBL.
Una nang inihayag ni MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal na mahigit 100 probisyon ang tinanggal sa orihinal na bersyon ng BBL kabilang ang preamble na inihalintulad nito sa kaluluwa ng tao.
By Judith Larino