Kumpiyansa ang isang mambabatas na idedeklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang bersyon ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Negotiator Mohagher Iqbal ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.
Ito’y ayon kay Buhay Partylist Representative Lito Atienza kasunod na rin ng tila pinapaspasan ng mga mambabatas na miyembro ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro ang pagpasa sa BBL.
Ipinagtataka pa ni Atienza ang mabilis pa sa alas kuwatrong pagtalakay sa nasabing panukala makaraang pulungin ni Pangulong Noynoy Aquino ang kaniyang mga kapwa mambabatas.
Binigyang diin ni Atienza, tila sinunod na lamang ng mga miyembro ng Ad Hoc Committee ang bersyon ni Iqbal ng BBL gayundin ang CAB na aniya’y tadtad ng mga unconstitutional provisions.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)