Napasakamay muli ng nangungunang digital solutions platform na Globe ang award bilang isa sa mga itinuturing na Best Companies to Work for in Asia, Philippine chapter mula 2021 hanggang 2023.
Ang nasabing award mula sa pinakamalaking regional human resource publisher na HR Asia ay iginawad sa Globe sa idinaos na gala night sa Manila Marriot Hotel.
Ayon kay Renato Jiao, Chief Human Resource Officer ng Globe, ipinagmalalaki nila at isang malaking karangalan na mabigyan muli ng award ang mobile leader sa ikatlong pagkakataon bilang isa sa mga magagandang kumpanyang maaaring mag trabaho.
Sobra aniya siyang natutuwa na maging bahagi ng HR team ng Globe group at ang naturang award ang higit pang magpapalakas sa pagnanais nilang bumuo ng magagandang alaala sa kada ka Globe.
Samantala, binigyang-diin ni Nico Bambao, Globe Vice President for People Experience ang nasabing award ay nagbigay sa HR team nila sa pangunguna ni Jiao ng ibayong inspirasyon para manatiling naka focus sa pagtulong sa mga empleyado upang higit na maging empowered at maging matagumpay sa kanilang trabaho lalo pa’t nagsisimula sa loob ang tagumpay na maibabahagi sa mga aniya’y Ka-Globe.
Nasa halos 14,000 ang sumali sa survey kaugnay sa Best Companies to Work for in Asia Philippines 2023 ng HR Asia na isang bi-monthly magazine.