Nakuha ng Film Director na si Roderick Cabrido ang best director award para sa kanyang horror film na “Clarita” sa ika-sampung edisyon ng mirabile dictu [mi·ra·bi·le dic·tu] International Catholic Film Festival na ginanap sa Vatican City.
Dahil dito, tinalo ng award-winning Filipino film at documentary producer ang iba pang mga direktor mula sa Peru at Italy.
Magugunita na unang nakilala ang batang filmmaker sa mga pelikulang ginawa niya tulad ng “pinays for export,” “tasaday,” “yaman sa basura,” “cuchera” at “nuwebe.”