Wala pa ring panukala na handang ipresenta ang Department of Finance kaugnay sa karagdagang buwis sa maaalat na pagkain at matatamis na inumin.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, iginiit ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na patuloy silang nagpapa-konsulta sa ibang mga otoridad gaya ng mga nutrionalist.
Dagdag pa ng kalihim, na pinag-aaralan nilang mabuti ang naturang batas, kung nakatutulong ba ito sa publiko o nakakaiwas sa mga sakit.
Dahil dito, paliwanag ni Secretary Diokno, na layon ng DOF na makatulong sa kalusugan ng mga Pinoy ngunit ang maaapektuhan sa naturang panukala ang mga ilang mga kumpanya ng softdrinks at junk foods. – sa panunulat ni Jenn Patrolla