Nagsampa ng P2-M damage suit ang isang grupo ng mga abogado laban sa BestLink College of the Philippines at 2 pang bus companies na dawit sa aksidente sa Tanay, Rizal.
Bukod sa BestLink kinasuhan nina Atty. Ariel Inton ng lawyers for Commuters Safety and Protection at Atty. Rolando Sibal, abogado ng mga 5 survivor sa aksidente ang civil case dahil sa Breach of Contract of Carriage and Quasi Delict o Culpa Aquiliana sa Quezon City RTC ang Panda Coach Tours at Harana Tours Incorporated.
Nilinaw ng lawyers group na tig P2-M pisong moral at exemplary damage ang hinihingi nila sa isa sa limang survivors na tinutulungan nila.
Magugunitang labing limang estudyante at driver ng bus ang nasawi sa nasabing trahedya.
By Judith Larino