Kasalukuyang nasa ospital ngayon ang 75 taong gulang na beteranong aktor na si Spanky Manikan.
Ito ay dahil napag-alamang nasa stage-4 na ang lung cancer nito.
Sa Facebook post ng isa ring beteranong aktor na si Nanding Josef sinabi nitong nangangailangan si Spanky ng financial assistance at kailangan din ng anim pang cycle ng chemotherapy.
Sinabi rin ni Nanding na apat na beses nang na-ospital si Spanky.
Habang ang aktres na asawa naman ni Spanky na si Susan Africa ay ang nag-aalaga sakanya.
Matatandaang nilisan ng na-diagnosed na beteranong aktor ang kanyang karakter na si Mr. Jang sa adaptation hit Korean drama na ‘My Love From The Star’ ng GMA-7 noong Hulyo dahil sa naturang health problem.