Pumanaw na ang beteranong brodkaster, direktor at kolumnistang si Antonio Calvento o kilala bilang si Tony Calvento files sa edad na 63.
Batay sa Facebook post ng anak ni Calvento na si Sonny, pumanaw ang kaniyang ama dakong alas 2:15 ng hapon bunsod ng multiple organ failure.
Gayunman, ipinabatid ni Sonny na nakaburol ang labi ng kaniyang ama sa Chapel 3 ng Heritage Memorial Park sa Taguig City at nakatakdang magsagawa ng funeral services para sa yumaong brodkaster mula ika-10 hanggang ika- 13 ng Oktubre mula alas 3:00 ng hapon.
Kasunod nito, nakatakdang ike-cremate ang labi ng beteranong mamamahayag sa Sabado, ika-14 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Nakilala si Calvento sa kaniyang mga docu-drama sa telebisyon na pinamagatang Calvento Files at ilang taon din namalagi sa himpilang DWIZ – Aliw Broadcasting Corporation para sa kaniyang public service program na “Hustisya para sa Lahat”.