Pumanaw na ang beteranong movie director at screenwriter na si Mel Chionglo sa edad na 70.
Ito ang kinumpirma ni Film Development Council of the Philippines director Liza Diño-Seguerra.
Si Chionglo ay unang sumikat dahil sa ginawa niyang pelikulang “dyesebel.”
Siya rin ang sumulat ng screenplay ni Lino Brocka na “wake up, maruja” noong 1978 na pinagbidahan ni Ms. Susan Roces at “ina, kapatid, anak” noong 1979 nina Lolita Rodriguez, Charito Solis at Rio Locsin.