Pumanaw na sa edad 65 ang beteranong theater, film, tv director at komedyanteng si Soxie Topacio dahil sa lung cancer.
Kinumpirma ng pamangkin ni Soxie na si Zara na binawian ang kanyang tiyuhin sa De Los Santos Medical Center, dakong alas 10:30 kagabi.
Huwebes ng gabi nang isugod sa ospital si “Sox” o Socrates Hernandez Topacio sa tunay na buhay.
Ilang beses na ring naglabas-masok sa pagamutan ang direktor dahil sa ilang taong pakikipaglaban sa cancer.
Kabilang sa mga obra ni Direk Soxie ang drama-comedy film na “Ded na si lolo,” na napiling entry ng Pilipinas para sa best foreign language film sa 82nd Academy Awards noong 2010 maging ang ilang teleserye gaya ng Impostora sa GMA 7 noong 2007.
By: Drew Nacino
Beteranong film director Soxie Topacio pumanaw na was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882