Napanalunan ng nag-iisang mananaya na taga-Rizal province ang P10 milyong jackpot prize sa regular Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng masuwerteng bettor ang winning combination na 21-05 -09-03-01-12 kung saan nabili nito ang ticket sa bayan ng San Mateo.
Makakatanggap naman ng tig-P24,000 ang 69 pang mananaya matapos mahulaan ang limang kumbinasyon.
Ang 6/42 lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.