Inanunsyo ng Disney na kabilang sa cast ng live action remake ng “The Lion King” ang Pop Star na si Beyonce.
Si Beyonce ang magiging boses ni Nala, ang love interest ng bidang si Simba na gagampanan naman ni Donald Glover.
Samantala, inilabas na din ng Disney sa kanilang Twitter page ang kumpletong cast ng star studded movie na ito.
#TheLionKing. 2019. pic.twitter.com/UMJo18FwDt
— Disney (@Disney) November 1, 2017
Matatandaang si Beyonce ang first choice ng mismong direktor ng pelikula na si Jon Favreau.