Tinanghal bilang highest-paid woman in music si Beyonce ngayong 2017.
Ito ay base sa inilabas na listahan ng Forbes kung saan mayroon itong kabuuang kita na 105 million dollars.
Nabatid na nagmula ang yaman ni Beyonce sa kanyang mga benta sa music recording at concerts ganoon din sa kanyang fashion line na Ivy Park.
Pumangalawa naman sa listahan ng Forbes si Adele na mayroong 69 million dollars habang nasa pangatlong puwesto naman si Taylor Swift na mayroong 44 million dollars at nasa pang-apat na puwesto si Celine Dion na mayroong kitang 42 million dollars.
—-