Binalaan ng BFAR ang publiko kaugnay sa pagbili at pagkain ng mga lamang dagat na apektado ng red tide.
Kabilang dito ayon sa BFAR ang mga lamang dagat mula sa sorsogon bay sa sorsogon, matarinao bay sa Eastern Samar, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental, Dumanguillas Bay sa Zamboanga Del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte, Karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at karagatan ng Milagros, Masbate.
Nilinaw ng BFAR na hindi naman apektado ang iba pang lamang dagat tulad ng pusit, hipon at alimango bastat nahugasang mabuti bago lutuin.