Dumipensa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa ipinatupad nitong ban laban sa pagbebenta ng imported na isda sa merkado.
Kasunod na rin ito ng itinakdang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, kaugnay sa umano’y huli nang implementasyon ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195.
Ayo kay Nazario Briguera, Chief Information Officer ng BFAR, hanggang sa maamyendahan, dapat gawin ng BFAR ang lahat bilang isang ahensya na may mandatong i-regulate ang mga imported na frozen fish products sa mga wet market.
Gayunman, nilinaw ni Briguera na hindi nila maipatutupad ng buo ang kautusan, dahil kailangan pa nitong sumailalim sa proseso ng konsultasyon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council, pinakamataas ma ahensiyang gumagawa ng patakaran sa isda.