Handa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng office of the ombudsman, kaugnay sa ipinatupad na ban sa pagbebenta ng imported na isda.
Alinsunod sa fisheries administrative order number 195 na layong isulong ang ban sa pagbebenta ng imported na isda, gaya ng pampano at salmon.
Sa panayam ng DWIZ kay Nazario Briguera, chief ng information and fisherfolk coordination unit ng BFAR, sinabi nito na kahapon ng alas-8 ng gabi nila natanggap ang sulat ng ombudsman.
Tiniyak naman ni Briguera ang pagtalima rito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanilang legal department.