Mamahagi ng mga bangka at iba pang kagamitan sa pangingisda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Oriental Mindoro.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, layon nitong makatulong partikular sa mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan matapos masalanta ng bagyo.
Aniya nakapangako na ang ahensya sa mga mangingisda sa lugar ng 100 units ng fiberglass boats, nets, mga hook at line, fish cages, aqua phonics at limang milyong pirasong tilapia fry.
Maaari na umanong magamit agad pangisda ang 10 talampakang bangka dahil may engine na ito at lambat na kasama.
Una rito, nagkaloob na rin ang BFAR ng mga bangka at iba pang kagamitan sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol Region.