Umapela ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa mga mangingisda na manatiling mahinahon.
Kasunod ito ng ginawang kilos protesta ng pederasyon ng mga Mangingisda sa buong Pilipinas upang kuwestyunin ang agarang pagpapatupad ng Republic Act 10654 o ang Amended Fisheries Code of the Philippines.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni BFAR Executive Dir. Atty. Asis Perez na ang nasabing batas ay para lamang sa mga small and medium commercial fishing operator at hindi sa mga ordinaryong namamalakaya.
Kasunod nito, muling minaliit ni Perez ang ginagawang fishing holiday ng mga fishing operator dahil sa may sapat naman aniyang suplay ng isda.
By Jaymark Dagala