Nagbabala ang BFAR sa Eastern Visayas kaugnay sa pagkuha, pagbili at pagkain ng shellfish mula sa Irong Irong Bay sa Samar.
Ito ay matapos mag positibo sa red tide toxins ang mga shellfish at alamang o hipon sa lugar.
Nabatid ng BFAR Region 8 mula sa isinagawang examination sa provincial marine biotoxin laboratory na ang tubig sa nasabing ilog ay positibo sa pyrodiniu bahamense variety compressum, bagamat hihintayin pa nila ang resulta ng confirmatory test ng BFAR Central Marine Biotoxin Laboratory sa Maynila.
Mahigpit na ring mino monitor ng BFAR ang ipa pang dagat sa bansa kaugnay sa red tide toxins.