Inabisuhan ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga residente ng Anda at Bolinao sa Pangasinan na bawal munang hulihin, ibenta at kainin ang mga shellfish sa kanilang karagatan.
Ito’y bunsod na rin ng namataang red tide toxins sa nasabing mga bayan na lubhang peligroso sa publiko sakaling i-konsumo ng mga ito ang yamang dagat doon.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga isda, pusit at alimango na mahuhuli mula sa dalawang nabanggit na bayan subalit kinakailangang matiyak na sariwa ito at hinugasang maigi.
Magugunitang nagkaroon na rin ng red tide toxins sa dalawang nabanggit na mga bayan sa Pangasinan noong taong 2017.