Muling pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang publiko hinggil sa nakataas na shellfish ban sa ilang panig ng bansa dahil sa redtide.
Ayon sa BFAR, positibo pa rin sa red tide ang mga karagatang sakop ng Samar, Leyte, Iloilo, Palawan, Masbate, Negros Oriental at Davao Oriental.
Nangangahulugang hindi ligtas ang pagkain ng mga lamang dagat na hango sa mga naturang lugar.
Samantala, tiniyak naman ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na maaaring salantain ng Bagyong Jolina.
By Ralph Obina