Nagpaalaa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa umiiral na shellfish ban sa bansa.
Sa inilabas na kalatas ng BFAR, positibo sa red tide toxins ang mga sumusunod na lugar sa ibang bansa:
- Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa, Palawan;
- Baybayin ng Dauis at Tagbilaran Sa Bohol;
- Tambobo Bay, Siaton at Bais Bay sa Bais City, Negros Oriental;
- Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte;
- Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental;
- Lianga Bay at Baybayin ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili, at pagkain ng mga shellfish sa mga nabanggit na lugar sa bansa.
Pero paliwanag ng BFAR, ligtas namang kainin ang mga mahuhuling isda, alimango, hipon at pusit sa mga nabanggit na lugar, basta’t linisin lamang ito ng mabuti.