Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga lugar na apektado ng red tide.
Kabilang na dito ang mga probinsiya ng Davao Oriental, Bohol, Western Samar at Masbate.
Nangangahulugan itong ipinagbabawal pa rin ang panghuhuli, pagbebenta at pagkain ng mga laman dagat sa mga nabanggit na lugar.
Nilinaw naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit at alimango ngunit dapat ay hugasan aniyang mabuti ang mga ito at tanggalin ang mga hasang at laman loob.
By Ralph Obina