Binalaan ng BFAR ang mga residente at mangingisda sa Masbate kaugnay sa pagkuha at pagkain ng shellfish na kontaminado ng red tide toxin.
Ayon sa BFAR hindi ligtas ang mga shellfish at alamang na makukuha sa lugar partikular sa karagatang sakop ng bayan ng Mandaon.
Pinayuhan pa ng BFAR ang publiko na tiyaking sariwa ang mga makukuhang hipon, isda at alimango sa mga apektadong lugar at hugasang mabuti kasabay nang pagtatanggal ng hasang at bituka.
Bukod sa Masbate may banta rin ng red tide sa Puerto Princesa Bay sa Palawan at Irong Irong bay sa Western Samar.
By: Judith Larino
BFAR nagbabala ng mga pagkaing kontaminado ng red tide was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882