Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisda na iwasan munang pumalaot sa bahagi ng Sta.Ana, Cagayan at Surigao Del Sur mula Oktubre 22 hanggang 28.
Ayon sa Philippine Space Agency (PHILSA), magsasagawa ngayon araw ang South Korea ng space rocket launch at posibleng bumagsak ang mga debri ng nito sa mga nasabing lugar.
Sinabi naman ng BFAR na umiwas muna sa itinuturing na identified drop zones.
Sa kabila nito, sinabi ng PHILSA na mababa umano ang tyansang bumagsak sa kalupaan ang mga debri ng naturang rocket.—sa panulat ni Airiam Sancho