Binalaan ng BFAR ang publiko sa pagbili at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish lalo na kung manggagaling ito sa mga lugar na apektado ng red tide toxin.
Kabilang sa mga apektado ng red tide toxin ang coastal waters ng Bataan o mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal, Puerto Princesa Bay, Puertop Princesa City sa palawan , Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol , Irong-Irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte at Lianga Bay sa Surigao Del Sur na nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison.
Habang ang Matarinao Bay sa Eastern Samar ay muling nabalik sa listahan ng positibo sa red tide.
Maliban sa shellfish at alamang puwede naman kainin ang mahuhuling isda basta’t linisin itong mabuti at lutuin ng husto bago kainin.
Nilinaw naman ng BFAR na ligtas namang mag-swimming sa dagat na may red tide toxin.