Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na mahigpit ipinagbabawal muna ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang na mula sa coastal waters ng Bolinao Pangasinan.
Ayon kay BFAR regional director Rosario Segundina Gaerlan, batay sa lumabas na resulta sa monitoring ng harmful algal bloom Department. Mas mataas ang toxin level sa nasabing lugar kumpara sa allowed limit nito.
Ito aniya ay bunsod na rin ng pagkakaroon ng lumot o algae sa buong karagatan na siyang pinagmulan ng red tide toxin.
Samantala, pinagbabawal rin umano ang pag-angkat o pagbenta ng lahat ng uri ng shellfish.