Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa pagkain ng mga shellfish mula sa ilang lugar sa bansa.
Kasunod ito ng natuklasang mataas na antas ng paralytic shellfish poison o red tide batay sa kanilang isinagawang laboratory test kasama ang mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City, Palawan, Milagros sa Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Tambobo Bay sa Siaton Negros Oriental.
Gayundin ang karagatang bahagi ng Daram Island sa bayan ng Zumarraga, Irong-Irong Bay at San Pedro Bay sa Westewrn Samar.
Maging ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental at Lianga Bay at Hinatuan sa Surigao Del Sur.