Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko kaugnay sa red tide sa ilang baybaying dagat.
Batay sa inilabas na advisory ng BFAR, nagpositibo sa paralytic poison ang mga shellfish na makukuha sa karagatan ng Dauis at Tagbiliran City sa Bohol, Tambobo Bay sa Negros Oriental, Coastal Waters sa Calubian sa Leyte, Dumangquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at iba pa.
Partikular na ipinagbawal ng BFAR ang pagkain ng alamang habang ligtas naman kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t maayos lamang itong huhugasan at lutuin.