Naglabas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng shellfish ban sa Sapian bay sa Capiz matapos magpositibo sa red tide toxin.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR ang paghango, pagbenta at pagkain ng shellfish na magmumula sa Sapian bay.
Samantala, nakataas pa rin ang shellfish ban sa ibang mga lugar na kinabibilangan ng Baliti bay sa Mati, Davao Oriental, at maging sa coastal waters ng Tawi sa Bohol at Milagros sa Masbate.
Hindi naman apektado rito ang mga isda, dahil kaiba sa mga shellfish, ay may kakayahan ang mga ito na lumipat sa ibang lugar para hindi mahigop ang red tide toxin.
By: Meann Tanbio