Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dalawang fishing vessels na ginawa ng isang Filipino company na layong mapaunlad ang produksyon ng mga lokal na mangingisda sa bansa.
Ayon kay Eduardo Gongona, Director ng BFAR, isa sa barkong ito ay ang 62-footer steel-hulled fishing vessel na nagkakahalaga ng P23M.
Para ito sa mga mangingisda sa Ilocos at Eastern Visayas.
Target pa ng BFAR na magkaroon ang bansa ng 35 fishing vessels, dalawang two ring-net, anim na bag-net at 27 handline fishing boats.- sa panulat ni Abigail Malanday