Pinag-iingat ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko mula sa pagkain ng mga shellfish mula sa Western Samar, Palawan, Masbate, Negros Oriental at Davao Oriental.
Ito ay matapos na magpalabas ng red tide alert ang BFAR sa mga nabanggit na lugar.
Batay sa laboratory test ng BFAR nakitang positibo sa paralytic shellfish poison ang mga baybayin ng Irong-Irong Bay sa Catbalogan Samar; Inner Malampaya Sound at Puerto Princesa Bay sa Palawan; Mandaon at Placer sa Masbate; Tambobo Bay sa Negros Oriental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.
Gayundin, apektado rin ng red tide toxins ang Matarinao Bay sa Eastern Samar at Gigantes Islands sa Iloilo.
Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta malilinis ang mg ito ng mabuti.