Naka-heightened alert na ang BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng TLV o tilapia lake virus.
Tiniyak ni BFAR Director Undersecretary Eduardo Gongona na magiging mapagmatyag ang mga quarantine inspectors nila sa mga pangunahing daungan at paliparan sa bansa.
Sinabi ni Gongona na maghihigpit sila sa inspection process lalo’t nag-i-import ang Pilipinas ng broodstock ng fingerlings na siyang ginagamit sa pagpaparami ng tilapia.
Una nang napaulat na tumama na ang nasabing virus sa Thailand, Israel at Egypt.
By Meann Tanbio
BFAR naka-heightened alert kontra tilapia lake virus was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882