Masusing sinusuri ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga inaangkat na tilapia fingerlings sa bansa. Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pagpasok sa bansa ng bagong tuklas na virus na namemeste sa mga tilapia sa ibang bansa. Ang nasabing virus ay tinatawag na TILV o tilapia lake virus na kumalat sa mga bansang Colombia, Ecuador, Egypt, Israel at Thailand. Ang TILV ay nagdudulot sa tilapia ng pagkasugat sa mga balat, pagkakatanggal ng kaliskis, malabong mga mata at pagkamatay. Bagaman, sinabi ng food and agriculture organization ng United Nations na walang masamang epekto sa tao kung makakakain ng tilapia na may TILV. Posibleng maging dahilan naman ito ng pagkaubos ng mga cultured at wild tilapia sa mga apektadong lugar. By Krista de Dios BFAR nakatutok laban sa tilapia lake virus was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post AFP nagpakawala ng artillery fire sa Jolo next post Ariana Grande bibigyan ng honorary citizenship of Manchester You may also like Produksyon ng ham para sa Christmas hindi... September 22, 2019 OFW’s nanawagan kay Pangulong Duterte na isulong... February 25, 2017 Palasyo makikiisa sa Earth Hour 2019 March 30, 2019 AFP, handa na sa pagpapalit ng liderato... July 29, 2021 Unang araw ng pasukan, naging maayos —DepEd August 23, 2022 Sintomas ng COVID-19 iba sa delta variant—WHO August 12, 2021 Shellfish ban nakataas sa 8 lalawigan sa... September 1, 2017 Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa publiko,... October 10, 2021 Pagkalat ng monkeypox sa Pilipinas, mabagal —Dr.... August 23, 2022 Taas-presyo sa tinapay naitala September 14, 2017 Leave a Comment Cancel Reply