Nilinaw ng BFAR o Bureau of Fisheries na tanging mga sariwang isda lamang ang pinatawan ng SRP o Suggested Retail Price.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, kabilang dito ang bangus na mabibili sa 150 kada kilo, tilapia 100 kada kilo at galunggong 140 pesos kada kilo.
Aniya, hindi kabilang dito ang processed fish tulad ng sardinas.
Aniya, naging positibo naman ang pagtanggap ng mga mamimili sa pagpapataw ng SRP sa mga isda at iba pang mga agricultural products.