Good news na maituturing ang pagdagsa ng mga isda sa mga dalampasigan ng Zamboanga Peninsula.
Ayon kay Director Asis Perez ng BFAR o Bureau of Fisheries Acquatic Resources, ligtas kainin ang mga isdang nagpupunta sa dalampasigan dahil buhay ang mga ito.
Ang pagdagsa anya ng isda sa dalampasigan ay isang senyales na dumarami ang isda sa karagatan ng Zamboanga Peninsula matapos silang magpatupad ng close season o pagbabawal sa pangingisda sa loob ng tatlong buwan kada taon.
Bahagi ng pahayag ni BFAR Director Asis Perez
By Len Aguirre | Ratsada Balita