Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na hindi makakapasok sa bansa ang mga kontaminadong isda.
Ito’y kasunod ng babala ng grupong Pamalakaya kaugnay sa umano’y posibleng pagkakaroon ng formalin ng mga galunggong na ini-import mula sa China.
Ayon kay Usec. Eduardo Gongona, director ng BFAR, bumubuo na ang ahensya ng monitoring teams na susuri sa kalidad ng mga imported na isda.
Una rito, inihayag ng Pamalakaya ang pag-aangkat ng Pilipinas ng 17,000 metriko toneladang galunggong mula sa China, Vietnam at Taiwan dahil umano sa kakulang nito ng suplay.
—-