Iminumungkahi ni Pasig City Representative Roman Romulo na agarang ipasara ang mga establishimyento kung matutuklasang hindi sumusunod sa fire safety requirements.
Dagdag pa ni Romulo, dapat ay maging agresibo na ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpapatupad ng fire safety standards sa mga establishimyento.
Bunsod ito ng naganap na pagdinig ng kamara kahapon hinggil sa isyu ng sunog sa Kentex Corporation, isang pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City.
Naging sentro rin ng nasabing pagdinig ang aspeto ng occupational safety kung saan nagisa naman nang husto ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
By Avee Devierte