Nagkaroon ng ammonia leak sa isang planta ng yelo sa North Bay Boluevard sa Navotas City.
Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at na contain ang ammonia leak sa Magsimpan Ice Plant.
Ayon sa BFP, nagka-problema sa cooling system ng ice plant kaya’t nagkaroon ng bahagyang ammonia leak.
Samantala, nakatakdang sumailalim sa maintenance check-up ngayong buwan ang cooling system ng planta.