Nanganganib na ma-cite for contempt ng Kamara si BFP o Bureau of Fire Protection Chief Bobby Baruelo makaraang hindi pa rin ito magpakita sa ginawang pagdinig ng dalawang komite kahapon.
Kaugnay pa rin ito sa malagim na trahedya na nangyari sa Resorts World Manila nuong Hunyo 2 na ikinasawi ng 38 kabilang na ang gunman na si Jessie Carlos.
Batay sa ipinadalang paliwanag ni Baruelo sa mga mambabatas, nasa lungsod siya ng Davao para magsagawa ng inspeksyon sa pagsasanay ng kanilang mga tauhan.
Gayunman, sinabi ni Baruelo na nagpadala naman siya ng mga tauhan at opisyal na mas may alam sa pangyayari lalo’t ang mga iyon aniya ang unang nagtungo sa Resorts World Manila nang mangyari ang pag-atake.
Sagot naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, tila mali na si Baruerlo ang itinalagang hepe ng BFP dahil sa lagi aniya itong walang alam.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc
BFP kinastigo kaugnay sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila was last modified: June 15th, 2017 by DWIZ 882