Aminado ang Bureau of Fire Protection (BFP) na kulang pa rin ang kanilang mga kagamitan para tugunan ang pangangailangan ng publiko para apulahin ang sunog.
Sa panayam ng DWIZ kay BFP spokesman F/SSupt. Gerrandie Agonos, sa kabuuan aniya ay mayruon lamang 2,827 fire engines meron ang BFP sa buong bansa.
Malayo pa aniya ito para sa “ideal” na dami ng fire trucks para sa BFP na nasa 3,606.
Gayunman, malaking tulong pa rin ani Agonos ang mga fire engines na nasa pag-iingat ngayon ng mga lokal na pamahalaan gayundin ng iba’t ibang fire brigade volunteers.
Dapat po ay mayroong isang fire truck sa bawat 28,000 na bilang ng population sa isang lugar. So kung sa isang lugar po ay may 280,000 na tao, dapat po ay may 10 na fire trucks doon,” ani BFP spokesman F/SSupt. Gerrandie Agonos.
Maliban sa mga kagamitan at sasakyan, inamin din ni Agonos na malaki rin ang kakulangan ng BFP sa mga tauhan.
Kaya naman hinihikayat ni Agonos ang mga kabataan lalo na iyong mga naka-graduate na ng Highschool para magsanay at maging isang bumbero.
Sa kabuuan, ang bilang pa lamang namin ay mahigit na 28,000. Kung titignan natin ang bilang ng fire trucks nationwide, ang ideal number ay 39,000 (bumbero,” dagdag pa ni Agonos.