Patuloy na umaapela sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) na iwasan ang anumang mga maling gawain na pagmumulan ng sunog.
Ito’y ayon kay BFP spokesman F/SSupt. Gerrandie Agonos kasunod na rin ng pagsisimula ngayong araw fire prevention month.
Sa panayam ng DWIZ kay Agonos, karaniwan kasi sa mga madalas pinagmumulan ng mga sunog ang octopus connection sa kuryente gayundin ang pagkakaroon ng short circuit ng appliances sa mga bahay at establisyemento.
Kasunod nito, ipinaalala rin ng BFP sa publiko na laging tandaan ang PADRE o ang Prevention, Awareness, Detection, Reaction at Escape o Evacuate sa tuwing magkakaroon ng sunog.