Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko hinggil sa mga nagpapanggap na bombero.
Ito’y ayon kay Quezon City Fire Inspector Rowelle Yarcia kaugnay sa pagkahuli kay Manuel Santos, 34 taon gulang at kasabwat niyang si Melvin Quizada, 45 taon gulang na nangingikil umano sa mga negosyante kapalit ng pekeng Fire Safety Inspection Certificate.
Aniya, nagsumbong sa BFP ang may-ari ng isang Korean Supermarket na hinihingian sila ng limang libo kapalit ng agarang inspeksyon at pagrerefill ng fire extinguisher.
Samantala, sumailalim na ang mga suspek sa inquest proceedings para kasong robbery extortion, falsification of documents at pag-gamit ng motorsiklo sa pagsasagawa ng krimen. —sa panulat ni Airiam Sancho