Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection o BFP ang publiko sa mga sisindihang kandila ngayong darating na Undas.
Ayon kay BFP Director Ariel Barayuga, karamihan kasi ang nagiging pabaya sa pagsisindi ng kandila na kadalasang nagiging sanhi ng sunog.
Ilan na aniya rito ay ang mga nagsisindi ng kandila sa mga bahay kung saan, kadalasang inilalagay malapit sa mga bagay na madaling masunog tulad ng kurtina o mantel ng la mesa.
Gayundin, nagpaalala rin ang BFP sa mga aalis ng bahay upang umuwi ng probinsya na tiyaking walang naiwang nakasaksak na appliances upang maiwasan ang electrical short circuit na siyang pinag-uugatan ng sunog.
By Jaymark Dagala